Naghahanda na ang pamahalaan para tulungan ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagpoproseso ng mga devolution of government services hanggang sa gawin na ang full implementation nito.
Ito ang sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa isang panayam.
Aniya ang devolution ay paglilipat ng delegation of power hanggang sa lower level, mula sa national government patungong mga LGUs.
Ayon kay Sec. Pangandaman, sama-sama aniya ang mga concerned agencies, para makabuo ng mga paraan at hakbang para sa devolved functions nila.
“Gagawa po ng programa ang DBM for procurement, proper planning, proper identification of projects, and implementation po. Ang DOF (Department of Finance), meron po silang Bureau of Local Finance, na pwede po magbigay ng guidance kung paano po nila gagamitin ‘yung pera nila… Baka po puwede ring magkaroon sila ng access sa credit or even sa international institutions.”
Sinabi ni Pangandaman na naniniwala siyang kakayanin ito ang mga LGU kaya mayroon na aniyang draft executive order para i-amend ang EO 138 at palawigin ang transfer nang ilang national government.
Matatandaang taong 2022 nang isinumite ng DBM kay Pangulong Marcos ang draft ng executive order.