Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bar topnotcher na si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay matapos italaga ni Duterte si Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng yumaong si Nestor Espenilla.
Nabatid na si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia.
Facebook Comments