DBM Usec. Tina Rose Canda, nagpositibo sa COVID-19

112

Tinamaan ng COVID-19 si Department of Budget & Management (DBM) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Tina Rose Marie Canda.

Ayon kay Usec. Canda, asymptomatic o wala naman siyang nararanasang anumang sintomas ng sakit.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi sya nakasama sa isinagawang pagsusumite ng DBM ukol sa 2022 National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso ngayong araw.


Ani Canda, bukas ay nakatakda siyang sumailalim muli sa swab test.

Maaalalang si Canda ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang OIC ng DBM matapos magbitiw sa pwesto si dating Secretary Wendel Avisado dahil sa isyung pangkalusugan.

Nabatid naman na sa August 26 sisimulan ng Kongreso ang budget hearing para sa P5.024-T na panukalang national budget para sa susunod na taon.



Facebook Comments