Bilang ng PNP personnel na nasawi sa COVID-19, umabot na sa 100

29

Isa pang pulis ang nasawi dahil sa COVID-19 kaya umabot na sa 100 ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

Aniya, isang 44-anyos na police staff sergeant mula sa Ilocos Region ang panibagong namatay sa COVID-19.


Ito ay fully vaccinated na ng COVID-19 vaccine pero dahil may Immuno-Compromised with high comorbidity ang pulis at sumasailalim pa sa dialysis dahil sa chronic kidney disease ay namatay ito sa COVID-19.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP Health Service, aabot sa 150 ang naitala nilang bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na ito sa kabuuang 33,348, sa bilang na ito, 1,846 ang aktibong kaso.

May 31,492 total recoveries naman sa hanay ng PNP habang nasa 88,940 naman ang fully vaccinated na sa kanilang hanay.



Facebook Comments