Nagsanib pwersa ang Development Bank of the Philippines (DBP) at Department of Agriculture (DA) upang mangasiwa sa pagbibigay ng ayuda sa agricultural sector matapos lumagda ng memorandum of agreement (MOA).
Batay sa kasunduan, sa pamamagitan ng DBP ay maipapapamahagi ang mga ayuda mula sa DA tulad ng loan interest rate subsidy at iba pang mga form ng financial assistance kung saan kwalipikado ang agro-fishery enterprises, kooperatiba, magsasaka, mangingisda at iba pang kawani mula sa agrikultural na sektor.
Ayon kay DBP President at Chief Executive Officer Emmanuel Herbosa, layon nito na patuloy na maitaguyod ang growth potential ng agribusiness patungo sa malagong economic growth sa mga lokal na komunidad.
Facebook Comments