Nakibahagi ang Dagupan City Police Office (DCPO) sa isinagawang wreath-laying ceremony bilang paggunita sa kapanganakan ng yumaong dating House Speaker Eugenio Perez nitong Nobyembre 13, 2026.
Idinaos ang seremonya sa Speaker Eugenio Perez Park sa Barangay Herrero-Perez, Dagupan City, kung saan nag-alay ng bulaklak bilang pagpupugay sa dating opisyal ng pamahalaan.
Dumalo rin sa aktibidad si City Vice Mayor Dean Bryan L. Kua na kumatawan kay Mayor Belen T. Fernandez, kasama si City Councilor Jigs Seen at ang mga opisyal ng Barangay Herrero-Perez sa pangunguna ni Punong Barangay Generoso “Richie” Gomez.
Si House Speaker Eugenio Perez ang kauna-unahang Speaker ng House of Representatives ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











