BREAST CANCER AWARENESS AT SCREENING, ISINAGAWA PARA SA MGA KABABAIHANG PULIS SA PANGASINAN

Nagsagawa ng talakayan at screening tungkol sa breast cancer ang Pangasinan Police Provincial Office para sa mga babaeng pulis at non-uniformed personnel noong Nobyembre 12, 2026 sa Lingayen, Pangasinan.

Dumalo sa aktibidad ang mga female personnel mula sa Provincial Headquarters, mga City at Municipal Police Station, at Police Mobile Force Companies (PMFCs).

Ipinaliwanag sa talakayan ang mga posibleng dahilan ng breast cancer, mga palatandaan nito, paraan ng pag-iwas at mga maaaring gamutan.

Kasabay nito, isinagawa ang screening para matulungan ang mga kalahok na malaman ang kanilang kalagayan at mabigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagpapatingin sa doktor.

Pinagtulungan ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) at tatlong institusyong medikal sa Pangasinan ang pagsasagawa ng aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments