DDB, dapat magsagawa ng survey sa bilang ng mga drug addict sa bansa – Sen. Lacson

Makukumpirma kung valid o hindi ang survey ng Social Weather Station o SWS sa pamamagitan ng magiging resulta ng survey ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Pahayag ito ni Lacson, matapos lumabas sa survey ng SWS na nagsasabing sa pananaw ng publiko ay bumaba na ang bilang ng mga drug addicts sa bansa.

Ayon kay Lacson, sa senate version ng 2019 budget ay pinagbigyan ang hiling na pondo ng DDB para makapagsagawa ng malawakan at makatotohanang survey tungkol sa bilang ng drug users sa buong bansa.


Dagdag ng senador, hangga’t wala pang survey na isinasagawa ang DDB ay aasa na lang tayo ngayon sa kung ano ang lumalabas sa SWS survey.

Sa tingin ni Lacson, ang SWS, katulad ng Pulse Asia ay maituturing na reputable firms dahil sa ating kasaysayan ay nakita naman na accurate ang resulta ng survey ng mga ito dahil ginagamitan ito ng scientific methodology.

Facebook Comments