DDR at GUIDE Bill, inaasahang maisasabatas bago matapos ang 18th Congress

Umaasa si House Majority Leader Martin Romualdez na mapagtitibay ng Kongreso ang panukalang pagbuo sa Department of Disaster Resilience (DDR) at Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE Bill) bago matapos ang 18th Congress.

Ayon kay Romualdez, ngayong may COVID-19 pandemic ay higit na nakita ang pangangailangan sa iisang ahensya na tututok sa disasters at pandemic sa bansa tulad na lamang ng DDR.

Bukod dito, isa rin sa mga legislative agenda na itinutulak ni Romualdez na sana ay maisabatas na ay ang GUIDE Bill.


Naniniwala ang Majority Leader na malaki ang maitutulong nito sa mga maliliit na negosyo na siyang pinakapinadapa ng pandemya.

Kapwa inaprubahan na ng Kamara ang DDR at GUIDE Bill sa ikatlong pagbasa at ito naman ay nakabinbin pa sa Senado.

Facebook Comments