Ika-5 phreatomagmatic eruption, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal

Isang panibagong phreatomagmatic burst ang naitala sa Bulkang Taal kaninang alas-11:56 ng umaga.

Nagbuga ito ng 200 meter na dark gray plume batay sa kuha ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nananatili sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Bulkang Taal.


Bukod pa ito sa apat na pagputok na naitala ng PHIVOLCS bandang alas-5:18 ng umaga na nasundan pa ng mga pagputok bandang alas-8:47, alas-9:15 at alas-9:26 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, indikasyon pa rin ito ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.

Facebook Comments