De La Salle University, pormal nang tinanggap ang hosting rights ng UAAP season 83

Pormal ng tinanggap ng De La Salle University (DLSU) ang hosting rights ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 83 mula sa Ateneo De Manila University (AdMU).

Isinagawa ang pagpasa nito sa pamamagitan ng virtual closing ceremony ng season 82.

Kasabay nito, tiniyak ni DLSU President Ray Suplido na magiging tema ng UAAP season 83 ang “fully alive, champions for life.”


Binigyan-diin din ni Suplido ang kalusugan at kaligtasan ng mga stakeholder ng liga bago ang opening ng bagong season.

Matatandaang maagang tinapos ang UAAP season 82 matapos ipatupad ang community quarantines sa bansa dahil sa Coronavirus disease.

Umaasa ang UAAP na pormal na mabubuksan ang season 83 sa pagpasok ng 2021.

Facebook Comments