HULICAM: Aso, pinaghahampas ng isang lalaki hanggang sa tuluyang mamatay

COURTESY CDO PET ADOPTION

Arestado ang isang lalaki sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City na nakunan ng video na walang habas na pinagpapalo ng kahoy ang isang aso hanggang sa tuluyang mamatay noong nakaraang linggo.

Mabilis nag-viral sa Facebook ang kuha ng CDO Pet Adoption, kung saan mapapanood ang brutal na pagpaslang sa naturang hayop.

Sa video, makikita at maririnig ang aso na hindi tumitigil sa pagtahol. Pagkaraan ng ilang minuto ay nilapitan ng suspek na kinilalang si Alfredo Legason ang aso para paghahampasin.


(BABALA: MASELANG VIDEO)

Pero kahit nakahandusay at nangingisay na ang kaawa-awang aso ay patuloy pa rin sa pananakit si Legason.

Itinanggi naman ng akusado ang krimen na ipinaparatang sa kaniya. Depensa ni Legason, inaatake ng hayop ang kaniyang mga alagang manok at kambing kaya inataboy niya lamang ito.



Desidido pa rin ang grupo na sampahan ng kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang salarin.

Kapag napatunayang nagkasala, makukulong ang suspek mula tatlo hanggang pitong taon at pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000.

Facebook Comments