De Lima At Aguirre, Nagkainitan Sa Piluka At Sex Video

26

MANILA – Hindi nagpatinag si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa hamon ni Senator Leila De Lima.Kahapon nagpasaring si De Lima sa kalihim tungkol sa peke nitong buhok na gaya ng mga ebidensya at testigong hawak ng DOJ laban sa kanya.Pero ayon kay Aguirre, hindi rin kayang patunayan ng senadora na peke ang hawak nilang ebidensya.Dagdag pa ng kalihim, malakas ang ebidensya laban kay De Lima kasama na ang mga sex video nito, kasama ang bodyguard – driver at umano’y bagman nito na si Ronnie Dayan.Sabi pa nito, kapag hindi inamin ni De Lima ang relasyon nito kay dayan, baka gamitin nilang ebidensya ang sex video nito sa korte.Samantala, dalawang testigo pa ang ihaharap ni Aguirre sa susunod na pagdinig ng kamara na magdidiin kay de lima sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa Bilibid.

Facebook Comments