Kuha Ng Mga Cctv Sa Bldg. 14 Ng Bilibid, Hawak Na Ng Cidg

4

MANILA – Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (cidg) ang mga CCTV footage sa mga lugar kung saan nangyari ang riot na ikinamatay ni Tony Co at ikinasugat ng tatlong high profile inmate ng Bilibid.Ayon sa CIDG, pag-aaralan pa nila ang mga kuha ng CCTV dahil sa magkakaibang bersyon ng pangyayari.Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na magsagawang sariling imbestigasyon ang PNP-Special Action Force na siyang nangangasiwa sa Bilibid.Kabilang sa mga aalamin ay kung papaano naipasok ang ice pick sa kulungan na ginamit sa pananaksak.Samantala, mahigpit pa rin ang seguridad sa Medical Center Muntinlupa kung saan isinugot ang sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy.Sa ngayon, stable na ang lagay nina Sebastian at Sy habang inoobserbahan pa rin si Co na inoperahan malapit sa puso.

Facebook Comments