De Lima, binatikos ang mga Senador sa pagkaladkad sa kanya sa kontrobersyal na GCTA for sale sa Bilibid

Binuweltahan ni detained Senator Leila De Lima ang ilang kapwa Senador dahil sa tila paglilihis papunta sa kanya ang imbestigasyon ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale scam sa New Bilibid Prisons.

Partikular na binabatan ni De Lima Sina Senador Panfilo Lacson, Richard Gordon at Francis Tolentino.

Ayon kay De Lima, malinaw na inililihis papunta sa kanya ng tatlong Senador ang imbestigasyon upang malinis ang pangalan nina BuCor Chief Nicanor Faeldon at Sen. Ronald Dela Rosa.


Ginagamit aniya ang kanyang pangalan bilang scapegoat sa GCTA mess.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, iprinesinta ni Sen. Lacson si dating Bureau of Corrections Officer-In-Charge Rafael Ragos at National Bureau of Investigation Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr., na umanoy nagde-deliver ng pera sa bahay ni De Lima noong siya pa ang dating kalihim ng Dept. of Justice.

Sina Ragos at Ablen ay state witnesses sa drug cases laban kay De Lima kung saan sila ang nagsabi na nakatanggap na bribe money mula NBP ang Senador para pondohan ang kanyang kandidatura noong 2016 Senatorial Elections.

Mariin naman itong itinanggi ni De Lima.

Sa pagdinig kahapon, binusisi nina Sen. Gordon at Tolentino ang posibleng pag-abuso ni De Lima sa pagpapatupad ng GCTA sa kanyang panunungkula para makakuha ng pera.

Sa ambush interview, binigyan diin ni Gordon na malinaw naman ang mga testimonya ng mga testigo laban sa Senador sa mga katiwalian sa NBP.

Una nang nagpalabas ng kautusan ang Office of the Ombudsman upang pagpaliwanagin sina De Lima at dating DILG Sec. Mar Roxas tungkol sa pagpapatupad ng IRR na kanilang binuo para sa pagpapalaya ng mga convited prisoners.

Facebook Comments