De Lima, gustong ampunin ang pusang tinali sa truck sa QC

Pinahayag ni Senator Leila de Lima na gusto niyang ampunin ang pusa na si “Van” na nag-viral ang video nito habang nakatali at kinaladkad ng truck sa Quezon City.

Nailigtas si Van ng rescuers matapos ng ilang oras na pagkakatali at sinabi ni De Lima na gusto niyang alagaan ito sa kaniyang detention quarters sa Camp Crame.

“I wish to adopt “Van” and be allowed to take care of him here in my detention quarters, along with my other stray cats. Please,” ani Leila sa isang press release ng Dispatch from Crame No. 536.


Sinabi niyang naiyak siya nang mabasa niya ang balitang ito dahil naalala niya ang kaniyang paboritong pusa na alaga na si “Bran” na namatay lamang noong Hunyo 12.

Tinawag niya ring “utterly heartless and barbaric” ang nagtali kay Van.

Susuportahan naman ni De Lima ang anumang hakbang na pagkaso sa mga dating may-ari sa pusa dahil sa pang-aabuso nito.

“I also laud the volunteer group, “Cats of Araneta”, for promptly giving aid to “Van” and taking steps to seek justice on his behalf,” tugon ni Leila.

“Humans must learn to respect lesser and weaker creatures. No to cruelty to animals!” dagdag niya.

Facebook Comments