De Lima, walang dapat na i-celebrate ayon sa Palasyo

163

Binara ng Palasyo ang tila celebration ng nakadetineng Senador Leila de lima, matapos ibasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang isa nyang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, walang rason para mag-celebrate o magdiwang ang senadora dahil nananatili itong nakapiit at may kinakaharap pang 2 kaso na may kaugnayan din sa illegal drugs.


Sinabi ni Roque, no comment muna ang Palasyo sa pagbasura ng korte sa isa nitong kaso, pero pinaalalahanan ang senadora na may mga kaso pa itong kinakaharap.

Kahapon, sinabi ng kampo ni De Lima na isang moral victory para ma-acquit sa kahit isa nitong kaso lalo na sa panahon ng Duterte Administration.

Si De Lima ay kilalang numero unong kritiko ni President Rodrigo Duterte.

Facebook Comments