DE-REMOTE | Traditional style toilets with a twist, patok sa Japan

28

Japan – Kilala ang Japan sa mga hi-tech toilet inventions.
Halimbawa na dyan ang smartphone-operated toilet, music-playing toilet, motorcycle toilet at isa sa mga pinakauna ay ang conventional embedded squat toilets.

At ngayon, isa na namang kakaibang innovation ang inilabas ng Strapya World of Tokyo kung saan ginawa nila itong battery operated at de-remote control!

Ang Benki RC Japanese-style toilet ay pinapagana ng apat na aa batteries para sa urinal at dalawa naman para sa controller.

Ibig sabihin, hindi mo na kailangan pang pumunta sa banyo dahil ang urinal bowl na mismo ang lalapit sayo!

Samantala, mabibili ito sa halagang $16.30 o katumbas ng P850.00.

Facebook Comments