DEAD ON ARRIVAL | Dalawang lalaki, patay matapos magbarilan sa selebrasyon ng kasal sa Capiz

Capiz – Patay ang dalawang lalaki matapos magbarilan sa selebrasyon ng kasal sa Barangay Rizal Sur, Tapaz, Capiz.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jerry Francisco at Romulo Villanueva.

Sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Francisco at Villanueva sa gitna ng inuman kung saan nauwi sa barilan ang insidente.


Nagawa pang maisugod sa ospital sina Francisco at Villanueva pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments