PATAY | Isang lalaking kakabayad lamang ng piyansa, sawi matapos pagbabarilin sa Cebu City

Cebu City – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin makaraang magbayad ng piyansa sa Sitio Itom Yuta, Barangay Lorega, Cebu City.

Nakilala ang nasawi na si Wilson Magdasal na residente din ng Barangay Lorega.

Sa ulat, katatapos lang magbayad ng piyansa ng biktimang si Magdasal kasama ang asawa dahil sa pagkakaaresto nito matapos makuhanan ng iligal na droga nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang lalaki.


Biglang bumunot ng baril ang dalawang suspek saka pinaputukan si Magdasal pero nagawang makatakbo nito subalit nang maabutan ay dito na siya tinadtad ng bala.

Facebook Comments