DEAD-ON-THE-SPOT | Lalaki, patay sa pamamaril sa Meycauyan, Bulacan

Bulacan – Dead-on-the-spot ang isang 55-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa tapat ng kanyang bahay sa Meycauayan, Bulacan.

Base sa kuha ng CCTV, nasa labas ng kanyang bahay ang biktimang si Luisito Palaganas kung saan may kausap siyang lalaki.

Papasok na sana ang biktima pero hindi na niya mabuksan ang kanilang gate.


Nang humarap ulit sa kausap ay doon na siya pinagbabaril nito.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Blanko pa ang mga otoridad sa motibo ng krimen pero nabatid na dalawang buwan pa lang nakakalaya si Palaganas matapos na makulong dahil sa iligal na droga.

Facebook Comments