KORAP | Sibakan sa PDEA, posibleng mangyari ngayong Marso

Manila, Philippines – Sisibakin na ngayong Marso ang mga tiwaling tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nahuling nangingikil sa dinakip nilang suspek.

Ito ang babala ni PDEA Chief Aaron Aquino bilang bahagi na rin ng ginagawa nilang internal cleansing sa hanay ng PDEA.

Aniya, 21 tauhan na ng PDEA Region 4A ang nasibak sa trabaho dahil sa katiwalian habang ang iba ay inilipat sa ibang units sa Luzon.


Matatandaang tinanggal sa pwesto ang hepe ng PDEA Region 4A matapos makatanggap ng reklamo sa umano’y iligal na pag-aresto ng kanyang mga tauhan, pangingikil at pag-iisyu ng mga pekeng I.D.

Facebook Comments