DEAD ON THE SPOT | Lolo, patay matapos barilin at tagain ng dalawang lalaki sa Cebu

Cebu – Patay ang isang 79-anyos na lolo matapos barilin at tagain ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Asturias, Cebu.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Emiliano Bantoy habang kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang asawa nitong si Juanita na nagkaroon ng sugat sa ulo.

Sa ulat, kagagaling lamang ng mag-asawa mula sa kanilang sakahan nang lapitan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo nang yayain ng isa sa mga ito ang lolo na magpunta sa bayan ng Balamban pero hindi siya sumama.


Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang mga ito na may dalang bolo at baril saka inatake ang mag-asawa.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente at inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito.

Facebook Comments