400-K na karagdagang license card, natanggap na ng LTO

Nasa 400,000 na karagdagang license card na ang natanggap ng Land Transportation Office (LTO).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na nasa 2.4 million na ang kabuuang bilang ng mga license card ang nai-deliver sa LTO.

800,000 na lamang aniya ang natitirang cards na inaasahang maide-deliver sa mga susunod na linggo.


Bukod dito, may 6.4 cards pa ang LTO kaya natitiyak nilang sapat ang supply ng mga license card hanggang matapos 2024.

Samantala, sinabi naman ni Mendoza na tuloy-tuloy rin ang pag manufacture ng LTO ng mga plaka ng sasakyan.

Facebook Comments