DEAD ON THE SPOT | Magkapatid na kalalaya lamang ng kulungan, patay sa pamamaril sa Gen San

General Santos City – Patay ang magkapatid makaraang pagbabarilin ilang minuto matapos makalaya sa kulungan sa police station 4 sa General Santos City.

Sa ulat, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang magkapatid na sina Jerwin at Anecito Anog habang sakay ng tricycle sa Barangay San Isidro.

Dead on the spot ang magkapatid kung saan agad tumakas ang hindi nakilalang mga suspek at hindi din naplakahan ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito.


Nabatid na kakalaya lamang ng mga biktima matapos magpiyansa ng P240,000 bawat isa dahil sa kaso hinggil sa iligal na droga.

Facebook Comments