NASABAT | Mahigit 800 kilo ng isdang nahuli sa pagdi-dinamita, nakuha ng mga otoridad sa Pasil fish port sa Cebu

Cebu City – Nasa 850 kilo ng mga isdang nahuli sa pagdi-dinamita ang nakumspika ng Cebu City Bantay Dagat Commission (CCBDC) sa Pasil fish port.

Ang mga nasabing isda ay galing Zamobanga City kung saan itinuturing ito ng mga otoridad na pinakamaling shipment na kanilang nasabat.

Sinasabing aabot sa P200.00 kada kilo ang benta ng mga ito habang nakatakda naman kasuhan ang driver na nagbagsak nito na nakilalang si Aljamar Hosen Rosales.


Sa ngayon, inaalam na kung sino ang may-ari ng nasabing kargamento kung saan ipinamigay naman sa charitable institution ang mga isda dahil lumabas sa pagsusuri na hindi naman ito delikado sa kalusugan ng tao.

Facebook Comments