DEAD ON THE SPOT | Security guard, patay sa panananambang sa Agusan del Norte

Mindanao – Dead on the spot ang isang security guard habang sugatan ang kasama nitong Branch Manager ng bangko matapos tambangan sa National Highway sa Barangay Agong-Ong, Buenavista, Agusan del Norte.

Nakilala ang security guard na si Jerson Lumanaw at ang branch manager na si Noreyv Barsobia.

Sakay ng Van ang mga biktima nang pagbabarilin ng tatlong suspek na sakay ng isang motorsiklo kung saan tinangay ng mga ito ang dalang bag ng branch manager na may lamang malaking halaga ng pera.


Mabilis na tumakas ang mga suspek na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Facebook Comments