SUNOG | Tindahan ng computer parts sa Quezon City, nasunog

Manila, Philippines – Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng sunog na naganap sa Gilmore Avenue kanto ng Aurora Boulevard, Barangay Valencia, Quezon City.

Nagsimula ang sunog bandang alas-8:30 kagabi sa ikalawang palapag ng Aurora Garden Plaza na pawang mga computer parts ang naka-imbak.

Itinaas sa unang alarma ang sunog na naapula bandang alas-10:15 ng gabi at maswerteng hindi kumalat ang apoy sa mga katabing establisyimento.


Walang naitalang nasugatan sa nangyaring sunog pero hindi pa matukoy kung magkano ang kabuuang danyos na dulot ng insidente.

Facebook Comments