DEADLIEST BLAZE | May-ari at manager ng nasunog na gusali na ikinamatay ng 29 na tao, arestado

South Korea – Naaresto na ang may-ari ng walong palapag na gusali kung saan 29 na katao ang nasawi dahil sa sunog.

Itinuturing na ‘deadliest blaze’ ang nangyaring sunog sa loob ng siyam na taon.

Ang may-ari ng gusali ay kinasuhan ng paglabag ng fire safety regulations and committing homicide by negligence.


Ang manager naman ng gusali ay sinampahan ng kasong involuntary homicide.

Nabatid na nagsimula ang sunog mula sa isang nakaparadang sasakyan sa ground floor ng gusali.

Facebook Comments