LUSOT SA KAMARA | Panukalang batas na nagdedeklara sa Kalayaan Island Group bilang alienable o disposable na lupa, pasado sa Kamara

Manila, Philippines – Lusot sa house Committee on Natural Resources ang panukalang batas na nagdedeklara sa Kalayaan Island Group bilang isang “alienable o disposable” na lupa.

Batay sa house bill 5614 na inakda nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas, kinakailangan maging alienable o disposable land ang naturang isla para maisulong ang permanenteng paninirahan dito at magkaroon ng kabuhayan ang mga nais manirahan dito.

Ayon kina Alvarez at Fariñas, paraan ito para mas lalo pang lumakas ang pagnenegosyo at kalakalan sa bansa sa pamamagitan ng pamumuhunan.


Bukod pa rito ay mayroon din oil at natural gas reserves na mahalaga sa seguridad at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments