Deadline ng aplikasyon para maging nurse, caregiver sa Japan hanggang Abril na lang – POEA

Hanggang Abril 30 na lang ang deadline para sa mga Pinoy na gustong magtrabaho sa Japan.

Ayon sa POEA, 50 nurse at 300 caregiver ang bakanteng trabaho sa Japan na nakalaan sa mga Pilipino.

Sa mga nurse dapat mayroon silang lisensya, 3 years experience na trabaho at handang matuto ng Kangoshi para makakuha ng national license sa Japan.


Bukod pa dito, anim na buwan silang mag-aaral ng Japanese language at mag-o-ojt sa ospital doon.

Sa caregiver naman, basta nakatapos ng 4 years course pero dapat may caregiver course certificate mula sa TESDA.

Mag-aaral din sila ng salita ng mga hapon sa loob ng anim na buwan at kukuha ng pagsusulit sa Japan bilang caregiver.

Paalala ng ahensya, tanging sa POEA lamang makikipag-ugnayan para hindi mabiktima ng illegal recruiter.

Facebook Comments