Top 10 drug watchlist ng QCPD, timbog sa QC

95

Quezon City – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masakote sa buy-bust operation sa Barangay Holy spirit sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Julius Santos, 34-anyos na pasok sa top 10 drug watchlist ng QCPD Station-6.


Ayon kay Police Major Sandy Caparoso, hepe ng Drug Enforcement Unit ng QCPD-6, nakipagkita ang suspek sa dalawang pulis na umaktong poseur buyer sa Bessang Pass Road kanto ng AFP Road.

Matapos maiabot ang 200 pesos na buy-bust money ay inaresto ito at nakuha sa kaniya ang limang sachet ng hinihinalang shabu.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sangkot sa serye ng holdapan at pagpatay ang suspek.

Facebook Comments