Deadline ng drivers registration ng DOTr para sa mga drivers ng tatlong major motorcycle-ride-hailling apps, natapos na ayon sa TWG

Natapos na ang driver’s registration ng tatlong major motorcycle-ride-hailling apps ng  Department of Transportation (DOTR) para sa Technical Working Group (TWG) nito.

Ayong kay TWG Chairman Antonio Gardiola Jr. isinumite na nila ang listahan ng mga pangalan ng drivers sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Aniya kung sino lang ang nasa kanilang master lists ay sila lang pwede kumuha ng mga pasahero o magbyahe.


Base sa kanilang tala, sa Metro Manila ang angkas ay nakapag pa rehestro ng  20,000 drivers, sa Cebu – 4,500 registered drivers at sa Cagayan De Oro (CDO) mayroon namagn 925 na mga drivers.

Ang MoveIt naman sa Metro manila ay mayroon 6,836 na mga drivers pero wala sila sa Cebo at CDO.

Samanatala ang JoyRide lang ang naka kompleto sa  cap requirment ng TWG na kung saan ay  15,000 drivers, may 4,488 naman sila sa Cebu at 176 CDO.

Sa orehenal na cap na ibinigay ng TWG sa tatlong motocycle taxi companies ay paghahatihatian nila ang 45, 000 slots para sa kanilang mga dirvers sa Metro Manila at tig tatlong libo naman Cebu at CDO.

Subalit anya kung sakaling hindi nila mapuno ang ibinigay na cap, magkakaroon anya ng resdistribution sa natitirang bilang para mapunan ang 45, 000 slot sa Metro manila at 9,000 sa CDO at sa CEBU.

Facebook Comments