Deadline ng pagsusumite ng dokumento para sa 2022 Election, ipinaalala ng COMELEC

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga partylist at political party na hanggang bukas (March 31) na lamang ang pagsusumite ng dokumento para sa paghahanda sa 2022 Election.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, salig ito sa COMELEC Resolution No. 10690 na inilabas nitong January 2021.

Partikular sa itinakdang palugit ang paghahain ng manifestation of intent of participate para sa mga partylist group at petition for registration sa mga political party.


Dahil naman sa pandemyang nararanasan ng bansa, sinabi ni Jimenez na maaaring ihain ng mga partylist at political party ang kanilang dokumento sa pamamagitan ng electronic filing o sa internet.

Facebook Comments