Unang COVID-19 Mortality sa Burgos, Isabela, Naitala

32

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala sa kauna-unahang pagkatataon ng COVID-19 related death ang bayan ng Burgos sa Lalawigan ng Isabela.

Kinumpirma ito ni Mayor Kervin Francis Uy sa kanyang Facebook post na kung saan ay hindi na nakaligtas sa virus ang 48 taong gulang at may comorbidity.

Sa patuloy na pagdami ng naitatalang kaso Bayan ng Burgos, mayroon ng 45 aktibong kaso ng COVID-19 na kasalukuyang nakaquarantine sa mga isolation facility at barangay isolation units.


Patuloy naman na nagsasagawa ng contact tracing ang mga health workers sa mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo.

Muling nananawagan sa mga kababayan ang alkalde na manatili na lamang sa bahay at iwasang lumabas kung hindi naman kinakailangan upang mapigilan na mahawaan ng COVID-19 at mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga positibong kaso.

Facebook Comments