Hindi na palalawigin pa ang deadline ng application ng franchise consolidation para sa PUV Modernization ng pamahalaan sa April 30.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong “Bongbong” Marcos sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns sa San Juan City.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakadaragdag din sa problema sa trapiko ang pagpapasada ng mga kolorum, na nasa 30% na, kung kaya’t nais nilang isaayos ang sistema.
Dahil dito, inatasan ng pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyakin na may prangkisang tama ang mga pumapasada, gayundin ang mga kooperatiba.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na hindi mabigat ang babayaran at uutangin ng mga driver at operator.
Sa susunod na linggo, inaasahang ikakasa ng mga transport groups ang panibagong round ng tigil-pasada.