Deadline sa paghahain ng voluntary withdrawal at substitution, hindi na palalawigin pa ng COMELEC

Nag-aabang na ang Commission on Election (COMELEC) sa mga election aspirant na posibleng maghain ng voluntary withdrawals at substitutions ngayong araw.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, handa na ang receiving station sa lobby ng poll body sa loob ng Palacio del Governador sa Intramuros, Maynila para tumanggap ng aplikasyon para sa withdrawal o substitution.

Mahigpit ding ipinapatupad sa venue ang seguridad at minimum health protocols kontra COVID-19.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Jimenez na hindi na nila palalawigin pa ang deadline sa paghahain ng withdrawal at substitution.

Inaasahan namang mailalabas ng poll body sa kalagitnaan ng Disyembre ang pinal at opisyal na listahan ng mga kandidato.

Nabatid na mula sa 299 na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at senador, 205 ang idineklarang nuisance candidate ng COMELEC.

Facebook Comments