MANILA – Inaasahang mapapaso na mamayang hapon ang 24 oras na palugit ng Department of Justice upang isauli ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang P20 million na umano’y bahagi P50 million na bribe mula sa gambling operator na si Jack Lam.Sa memorandum na may petsang December 21, 2016, ipinag-utos ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre ang pagturn-over sa naturang halaga National Bureau of Investigation na nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu ng suhulan sa dalawang dating Immigration Deputy Commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles.Depensa ni Aguirre, ito ay para mapreserba ang ebidensiya laban sa dalawang dating BI Commissioners kasunod na rin pag-amin ni Morente na otorisado niya si dating acting Immigration Intelligence Chief Charles Calima para magsagawa ng counter intelligence operation kina Argosino at Robles.Inatasan na rin ng Justice Chief na gumawa ang immigration chief ng written report kaugnay sa kanyang pagtalima sa direktiba ni Aguirre at kailangan niya itong isumite dakong alas-5:00 mamayang hapon.
Deadline Sa Pagsasauli Ni Immigration Comm. Jaime Morente Ng 20-Million Bride Money, Mapapaso Na Mamayang Hapon
Facebook Comments