Itinakda na ng Department of Agriculture (DA) sa January 22,2021 ang deadline ng pagsusumite ng design proposal para sa kompetisyon sa paglikha ng architecture design para ipalaganap ang urban gardening.
December 15 nang binuksan ng DA ang registration para sa kompetisyon.
Iaanusyo ng DA ang apat na finalist sa February 20, 2021. Dito na magtutunggali ang kanilang design proposals para sa final round sa March 16, 2021.
Tatanggap ng P250,000 ang tatanghaling first place winner habang tig-P50,000 at token gifts ang tatlong finalist.
Nauna nang nakipag-partner ang DA sa youth12 organization na RE-TERRA para higit na magamit ang potensyal ng youth sector sa food security efforts.
Kabilang sa miyembro nito ay mga future architects, designers at developers na mayaman ang kaalaman innovative at transformative designs na maaring mai-integrate sa agriculture sa urban setting.
Binuksan noong December 15 ang registration para sa competition at ang pagsusumite sa proposal ay itinakda sa January 22, 2021.