DEADLINE | Substitution ng mga kandidato para sa 2019 elections, hanggang mamayang alas-singko ng hapon na lang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Commission on Elections na hanggang mamayang alas-singko ng hapon na lang nila tatanggapin ang paghahain ng substitution para sa mga kandidato sa 2019 elections.

Kabilang na ang mga kandidatong umatras, namatay o di kaya ay na-disqualify.

Iginiit ng COMELEC na wala ng extension sa deadline dahil kailangan nilang ihabol ang pangalan ng mga nag-substitute , sa deadline ng pagprint ng mga official ballots na gagamitin sa halalan.


Ang election period ay magsisimula sa January 13 hanggang June 12, 2019.

Samantala ang campaign period sa national ay mag-uumpisa sa February 12 hanggang May 11, 2019 habang sa local naman ay mula March 29 hanggang May 11, 2019.

Mahigpit namang ipagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Facebook Comments