Death penalty bill, idineklara ng patay sa Senado

Manila, Philippines – Idineklara ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na sa Senado ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan at napakaliit ng tsyansa na ito ay mabuhay pa.

Ayon kay Drilon, lima lang kasi na mga senador ang sumusuporta sa death penalty bill at ito ay kinabibilangan lang nina Senate Majority Leader Tito Sotto III at sina Senators Manny Pacquiao, JV Ejercito, Win Gatchalian, at Cynthia Villar.

Sa tantya ni Drilon, aabot sa 13 mga senador ang tututol na maibalik ang parusang bitay.


Kabilang aniya dito ang anim na miyembro ng minority group at pito mula sa majority block kasama si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na miyembro din ng LP.

Giit ni Senator Drilon, hindi solusyon sa mga krimen ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Posible din aniya na pawang mga mahihirap ang mapatawan ng parusang bitay dahil sa kahinaan ng ating judicial system.
DZXL558

Facebook Comments