Death penalty bill, pasesertipikahang urgent kay PRRD

Pasesertipikahang urgent ni Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang death penalty.

Kasunod ito ng panawagan ng Pangulo sa Kongreso na ibalik ang parusang bitay para sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga, korapsyon at iba pang heinous crimes.

Ayon kay Pacquiao, isa sa mga naghain ng death penalty bill handa siyang depensahan ang panukala sa Senado.


Bagamat nakatutok ang kanyang panukala sa illegal drugs, bukas naman daw siyang isama sa mga papatawan nito ang mga plunderer.

Kasabay nito, iminungkahi ng senador na gawin ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad o lethal injection.

Bukod kay Pacquiao, kabilang rin sa naghain ng death penalty bill sa Senado sina Senators Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Ping Lacson at Bong Go.

Facebook Comments