DEATH PENALTY | Mga nagtutulak ng ilegal na droga, balak patawan ng parusang kamatayan sa Bangladesh

Bangladesh – Balak ng Bangladesh na patawan ng parusang kamatayan ang mga natutulak ng ilegal na droga.

Ito ay makaraang tumaas ang bilang ng mga nasasabat na methamphetamine drugs.

Mas kilala rin ang droga bilang ‘yaba’ kung saan pumalo sa higit 40 milyong piraso ng pills ang nakumpiska nitong nakaraang taon.


Ayon sa Bangladesh Narcotics Control Department, nagmumula pa sa Myanmar ang nasabing droga.

Itinaas na nila ang droga bilang ‘class A’.

Facebook Comments