Death penalty, muling pinabubuhay ni PRRD sa Kongreso

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na buhayin ang panukalang death penalty.

Ito ay upang masugpo ang ilegal na droga at korapsyon sa gobyerno.

Sa kanyang ika-apat na SONA, muling ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagkadismaya dahil nananatiling problema ang ilegal na droga at korapsyon sa bansa.


Sinabi ng Pangulo – pinondohan ng drug money ang Marawi siege kaya ito ang nagtutulak sa kanya para isulong ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Iginiit din ng Pangulo na kailangang masawata ang korapsyon upang tuluyang matapos ang problema sa ilegal drug trade.

Aminado ang Pangulo na mahabang panahon pa ang gugugulin ng gobyerno para maresolba ang ilegal na droga.

Facebook Comments