Death penalty sa New York truck attacker, iminungkahi ni US President Trump

Amerika – Iminungkahi ngayon ni US President Donald Trump na isalang sa parusang death penalty ang New York truck attacker na si Sayfullo Saipov.
Ayon kay Trump nais niyang ipadala si Saipov sa Guantanamo bay pero mahaba pa ang proseso kapag doon itatapon ang suspek.
Mas lalo naman nagalit si Trump sa naging kahilingan ni Saipov na lagyan ang kanyang hospital room ng ISIS flag.
Matatandaan na noong martes ay umupa si saipov ng truck at sinagasaan ang mga pedestrian sa bike path sa Manhattan sa New York City na ikinamatay ng walong katao habang labing tatlo naman ang sugatan.

Facebook Comments