Umakyat na sa 405 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa isang press conference, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, ang mga biktima ay nasawi dahil sa pagkalunod, nabagsakan ng puno, na-trap sa nagibang gusali at nalibing nang buhay dahil sa landslide.
Bukod dito, sumampa na rin sa 1,147 ang bilang ng sugatan habang 82 ang nawawala.
Kabuuang 4,457,846 na indibidwal o mahigit 1.1 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa 6,000 barangay.
Samantala, umabot na sa 532, 096 ang bilang ng mga bahay na winasak ng bagyo.
Tinatayang nasa P16.7-billion naman ang danyos na iniwan nito sa imprastraktura at P6.7-billion sa sektor ng agrikultura.
Kabilang sa mga lugar na pinakahinagupit ng Bagyong Odette ay ang Palawan, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte.