Death toll dahil sa Bagyong Ulysses, sumampa na sa 67 – NDRRMC

Umakyat na sa 67 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 22 sa kabuuang bilang ay nasawi sa Cagayan Valley Region, dalawa sa Central Luzon, 12 sa CALABARZON, 10 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at tig-walo sa Bicol at National Capital Region (NCR).

Samantala ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 12 indibidwal din ang napaulat na nawawala, walo rito ay mula sa Bicol Region, tatlo sa NCR at isa sa CALABARZON.


Dalawampu’t isa (21) naman ang nasugatan sa kasagsagan ng bagyo: siyam mula sa CALABARZON, walo sa Bicol Region, tatlo sa Central Luzon at isa sa CAR.

Samantala, umabot na sa P1.19 billion ang naitalang pinsala ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura habang P469.7 million sa imprastraktura.

Nasa 25,852 kabahayan naman ang sinira ng bagyo.

Facebook Comments