Umakyat na sa 389 ang bilang ng nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC) kaninang alas-8:00 ng umaga, tumaas din ang bilang ng sugatan na ngayon ay nasa 1,146 na habang 64 pa ang nawawala.
Pero ayon sa ahensya, subject to validation pa ang mga nasabing datos.
Samantala, mahigit isang milyong pamilya o mahigit apat na milyong indibidwal ang napaulat na apektado ng bagyo mula sa 430 mga lungsod at munisipalidad.
Habang lumobo na sa P16.71 billion ang iniwang pinsala ng Bagyong Odette sa imprasktraktura bukod pa ang P5.31 billion na danyos sa sektor ng agrikultura.
Facebook Comments