Manila, Philippines – Umakyat na sa 1 libo at syam ang mga napatay sa 142 araw na giyera sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Maj Gen Restituto Padilla walong daan at dalawa na ang mga napatay na teroristang Maute, 160 naman ang mga tropa ng gobyernong nagbuwis ng buhay habang 47 sibilyan ang nadamay at nasawi sa mga bakbakan.
Sa ngayon ayon kay Padilla, mayroon pang 42 bihag at nasa 40 terorista ang nasa loob ng main battle area.
Lilimang ektarya na lang anya ang sakop ngayon ng mga kalaban.
150 gusali na lang din anya ang kailangan pasukin ng tropa.
Sa ngayon patuloy ang operasyon ng militar laban sa teroristang Maute na sa Marawi City.
Facebook Comments