Azkals rookie Harry Fäll, handang maglaro para sa Pilipinas

25

Sports – Kahit hindi nagamit laban sa Yemen, hindi nabawasan ang pagnanais ni Fil-German Harry Fäll na makapaglaro sa Philippine Azkals sa loob ng maraming taon.

Sabi ni Fäll, isang malaking karangalan sa kaniya na maglaro sa bayan ng kaniyang ina na tubong Bicol. Bukod pa rito, hindi naman basta bastang koponan ang Azkals lalo na’t maraming bagong player na nais magpakita ng kanilang kakayahan.

Ito ang ikalawang call-up ng disi-nuwebe anyos na striker.

Si Fäll ay naglalaro bilang striker sa Hansa Rostock sa German third-division.

Facebook Comments